Maugong ang  balita na ang next big celebrity na kinakausap na para mag-host pansamanta ng noontime show na Wowowee ang boxing champ at Congressman na ngayon na si Manny Pacquiao. Agad naman itong binigyang linaw ng Business Unit Head ng noontime show ng Kapamilya network na si Jay Montelibano. “Ah, no. Hindi kami ang kumausap sa kanya. Actually, si Manny mismo ang nagpasabi sa amin na gusto niyang mag-host sa show,” diin ni Jay.

It was through ABS-CBN sports correspondent Dyan Castillejo ang nagsabi sa management na gusto ni Manny na mag-host sa Wowowee. Sinabihan raw si Dyan ni Manny of his intentions to host the show habang nasa US sila na ipinarating naman kay Jay. Pero hindi raw agad umoo ang BUH ng Wowowee bagkus ay pinapa-double check muna niya kay Pacquiao ang current status niya bilang host din sa kabilang network. Dapat daw alamin muna ni Manny kung ano ang usapan at laman ng kontrata niya with Kapuso network bago siya i-consider ng Wowowee to host the program para hindi  sila magka-problema.
Bukod kay Pacquiao, may balita na inalok din ang mahusay na talk show host na si Boy Abunda para mag-host sa Wowowee. Nilinaw din ng Business Unit Head ng show ang balita na nag-one-digit na lang daw ang  rating ng  noontime show. Nasa double digit pa rin daw ang rating ng show. Although ‘di naman niya itinanggi na hindi nga lang sing-taas ang ratings ngayon nu’ng si Robin Padilla ang pansamantalaf nag-host ng show.
Sa kabila ng mga naglalakihang celebrities na pansamantalag nagho-host sa Wowowee, marami pa rin daw  talaga ang naghahanap at mas type ang pamamaraan ng pagha-handle ng original host ng show na si Willie Revillame. -ABS-CBN

Advertisements