Bagong anyo si Piolo Pascual sa latest niyang endorsement, sa pagkakataong ito siya ay lumabas bilang cook.Di makapaniwala ang makisig na matinee idol na nairaos niya ang kanyang cooking show, kasama si Vhina Vojuangco, na pagtaguyod din sa tamang kalusugan.

“I tried my expertise of cooking but (I believe) I’m more of an eater than a cooker,” natawang sinabi ni Piolol.

Naghahanda na rin si Piolo sa pagbisita mula Amerika ng kanyang anak na si Iñigo para sa Father’s Day.

“He’s gonna be here all throughout the summer and I’m excited to be with him,” dagdag ni Piolo.

Pero nagpasubali na siya, hindi niya i-e-expose sa media ang bata.

“I wanna keep it private, my son is not from the business,” paliwanag ni Piolo.

Nagbigay-buenas naman si Piolo sa kanyang napapabalitang nobyang si KC Concepcion at ama nitong si Gabby Concepcion sa inaabangan nilang pelikulang “I’ll Be There.”

Ang susunod na project ng aktor ay ang teleseryeng magtatampok sa kanya bilang pulis at ama ng child wonder na si Zaijan Jaranilla.  -ABS-CBNnews

Advertisements