Sunod sa tagumpay ng teleserye niyang “Agua Bendita,” gigling na ang kamera para sa debut movie ni Andi Eigenmann – ang drama-comedy na “Mamarazzi” ni Joel Lamangan. Sobrang excited si Andi sa story conference kagabi ng star-studded project.

“Grabe po talaga, everything overflowing and I’m overwhelmed with everything I’d been receiving. Sobrang nagpapasalamat po ako,” pahayag ni Andi.

Gaganap si Andi dito bilang anak ng comedy diva na si Eugene Domingo.

Makakasama din niya sa Regal films production sina Diether Ocampo, Carla Abellana, John Lapuz, Xian Lim at Carlo Guevarra..

“Opo, grabe super excited po talaga especially working with Tita Uge who’s a close friend of my mom. Tapos sobrang lahat ng movie niya lagi kong sinusuportahan. Sobrang super funny at nakaka-excite na makakasama ko na siya and Carla who is also a friend of mine,” paliwanag ni Andi.

Pahinga muna sa tubig si Andi sa paggawa niya ng pelikula, pero natatawa niyang ibinunyag na puro nasa yelo naman ngayon ang kanyang eksena.

“Fortunately tao, pareho at walang chroma, so mas madali at walang dagat. Yelo naman po.”

Ice skater si Andi sa Mamarazzi at ang isa pang big revelation, kambal uli ang kanyang role.

“I’m gonna play twins again. Dito ako challenging kasi hindi lang siya comedy, kailangan kong mag-isip kung paano ako magpi-play off ng twins in a different attack that I did with Agua and Bendita,” saad ni Andi.

Tinuturing ni Andi na malaking karangalan na napagpapatuloy niya ang henyo sa sining ng pamilya Eigenmann.

“Sobrang sobrang saya ko because my entire family has been a part of this industry for a really long time my parents, my ito and tita, and my grandparents are respected and well-known in this industry. Masayang-masaya ako na kahit paano ay naipagpapatuloy ko ang pangalan ng Eigenmann at nakikilala nila ako at nakikita ng mga tao na I’m not letting my family down.”

Nakatakdang ipalabas ang pelikula sunod sa pagtatapos ng Agua Bendita sa Agosto. ABS-CBNnews

Advertisements