Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang kontrobersiyal na TV host na si Mo Twister sa TV5 studios kahapon, May 29, na siya ring araw ng paglabas sa mga diyaryo at online entertainment sites na nagsampa ang GMA-7 ng kasong breach of contract laban sa kanya at sa TV5.

Mo Twister  on breach of contract case: "I'm confident that I didn't do  anything wrong!"

Ito ay dahil sa paglipat ni Mo sa ibang estasyon na hindi pa natatapos ang kontrata nito sa Kapuso network. May nalalabi pa raw na ilang buwan noong lumipat siya sa TV5, kung saan may dalawang shows siya ngayon, ang pang-Linggong Paparazzi at ang gabi-gabing Juicy.

Sa Quezon City Prosecutor’s Office isinampa ang complaint, at diringgin ito sa sala ni Presiding Judge Santiago Arenas ng QC Regional Trial Court Branch 217.

Pero ayon kay Mo, hanggang kahapon nang hapon, wala pa itong natatanggap na pormal na papeles tungkol sa kanyang demanda.  Ayon sa balita, Eastwood ang nakasaad na home address ni Mo sa complaint subalit lumipat na ito sa Makati City.

Ang unang reaction niya noong umabot sa kanya ang balita: “Mixed emotions.”

Pahayag niya na may halong biro, “This is my first case, so, medyo excited! It’s exciting… I wanna… If it’s true, I wanna win. I want to set a standard for other celebrities and other one-sided contracts. I don’t know…”

Pero, inamin niyang meron din siyang pangamba. “Of course, right now, part of me is worried. But part of me is rather excited…” dagdag pa niya.

Subalit hindi siya masyadong nakapagkuwento tungkol sa terms ng kanyang contract. “I really don’t understand it very well,” aniya. Sa halip, nagdetalye ito tungkol sa mga nangyari noong siya ay nagpaalam sa GMA-7.

NO FUTURE IN GMA. Ayon sa kanya, ang kanyang paglipat ay bunsod na rin daw ng kawalan ng mainam na plano para sa kanya. Maliban sa Showbiz Central, wala raw ibang shows na nakalinya para sa kanya ang istasyon.

“Siyempre, when that comes from the head of your production or your channel, you’d think that they don’t like you.  Or they don’t value your contribution sa istasyon,” sabi ni Mo.

Hindi rin daw niya alam kung paanong nauwi sa demanda ang mga pangyayari. Sa huling pag-uusap daw nila ni Ms. Wilma Galvante, and senior vice-president ng GMA-7, hindi rin naman daw siya pinigilan.

“I really have no idea! Ang weird nga, e.  I mean… That’s the problem with this meeting, e [with Ms. Wilma].  She just told me that.  Sabi niya, ‘You don’t have a future here, we don’t have plans for you, we can’t do anything.’

“Hindi naman ako nanghihingi ng extra shows. Hindi naman ako nanghihingi ng raise. Pero yun ang sabi niya sa akin, ‘There’s no future here for you…’ Wala!’” ang pahayag ni Mo.

Nilinaw ni Mo na noong pumirma siya ng kontrata sa GMA-7 three years ago, hindi ito bilang isang exclusive talent ng network kundi sa Showbiz Central lamang.

“I didn’t sign up with GMA,” saad ni Mo. “I just have a contract with the show.  I’m not [a talent] of GMA Artist Center.  I’m not a… They’ve not invested anything in me in terms of building me like a StarStruck-type of star…

“It’s just… Kasi, I mean, I have three shows in ABS-CBN while I was doing Showbiz Central.” (Maaaring ANC ang ibig tukuyin ni Mo, na sister station ng ABS-CBN.)

“I’m not a contract artist.  I actually had more shows in ABS than in GMA.  It’s just that GMA is more sensitive about it,”  paliwanag ni Mo.

STUDIO’S OPTION TO RENEW. Bukod sa isyu na umalis siya nang hindi natatapos ang kontrata, may lumabas ding balita na ang ipinaglalaban ng GMA-7 ay ang “option to renew” umano ng network sa oras na mag-expire ang kanyang kontrata.

Hindi pa raw makapag-komento rito si Mo dahil hindi pa niya natatanggap ang reklamo.

Aniya, “That’s the part that I don’t understand na 100 percent yet now, kasi, hindi ko alam kung… if the case is like that.  Hindi ko pa nare-receive ang formal paper tungkol sa bagay na ito, nababasa ko lang sa diyaryo. So, as soon as I figure out what their problem is, then I can answer more on that.”

“Friend of mine” ang pagtukoy ni Mo sa legal counsel na kinuha niya, na sa araw na ito, May 30, ay magsasalita sa Paparazzi, ayon na rin sa dj.

“She’s a friend of mine that I consulted on this.  And again, until I know for sure that we’re gonna go to court or may case talaga, that’s when I would act accordingly siguro,” dagdag pa niya.

Wala ba siyang sariling kopya ng pinirmahan niyang kontrata?

“I do, I do have a contract copy, but I really don’t understand it very well… Well, as soon as I read the paper, kung ano ba sa contract ang they think I violated, at least alam ko kung ano ang nangyayari. And I’d know what my plans [would] be.”

Hindi rin masabi ni Mo kung ano ang kanyang next steps. “I don’t know, I don’t know, kasi, I don’t know how it works.  Pero I’m sure, pagkatapos kong kausapin ang legal counsel ko, tingnan natin kung ano ang mga steps na puwede nating gawin,” ang sabi niya.

TWO-MILLION PESO DAMAGE? Dalawang milyon daw ang danyos na nakasaad sa complaint ng GMA-7.

Ang biro ng writer na ito, naliliitan ba siya sa halaga?

Ang hirit ni Mo, “Hindi naman, hindi naman. Come on, two million is a lot of money. We’re a country that struggles, you know.

“You give two million to any of our people, they’d be more than willing to do many things from that.  It’s not degrading naman, hahaha.”

Kung magkataon, may two million ba siyang pambayad?

“Well, I’ve saved enough, I think,” tawa niya.  “But you know, two million is a lot with this kind of country. And maybe that’s how much GMA thinks of all of this struggle, then, so be it.  We’ll see. I really don’t know, I just read it on the papers.”

“I DIDN’T DO ANYTHING WRONG.” Confident ba siya na malulusutan niya ang reklamong ito?

“I don’t know what the terms are, but I’m confident that I didn’t do anything wrong!”

Wala siyang nilabag na batas?

“I don’t think so.  Again, di ko pa alam kung ano ang ‘charges’ at all, or kung ano ang mga issues.”

Nabanggit ni Mo sa previous interviews niya na mas nakikita niya ang kanyang sarili sa TV5, kung saan meron na siyang exclusive contract.

Pero noong launch ng Kapatid network sa World Trade Center nitong March, hindi man lang pumanhik sa stage si Mo.

Sabad niya, “Especially with the fact that Wilma told me that she doesn’t see me in GMA.  Siyempre, you take one station that wants you and one station that doesn’t want you, e, siyempre, you go with the one that wants you.”

At muli itong nagkuwento tungkol sa huli niyang pakikipag-usap sa kanyang dating boss.

GALVANTE’S “COLD” LETTER. Isang “cold” letter daw ang natanggap niya kay Ms. Galvante bilang sagot sa liham niya dito.

“I asked them if I can be removed from my contract in advance, in April.  Kasi, I wanted to start with Paparazzi.  I praised the station for their opportunities.  I thanked them, in writing ‘yan.

“I wrote it… Kasi, you know, when I walk around, people would ask for my autograph.  When I go to France, people would ask me for my picture.  I know GMA has contributed to that kahit na papaano. Gano’n din ang ABS as well and my own radio show.

“I appreciate all the people that helped me, made me a celebrity because it means a lot to me. That’s what my letter was.

Pero hindi gaya ng kanyang inaasahan, “The response [letter] was rather cold. There’s no, ‘We value you,’ or ‘You give us a good…’ I just hoped they would be more Kapuso.

“Si Wilma wrote back to me and it was very cold… I think she has the reputation of being that way naman, I mean if you ask other talents from there who’ve met her… I think they’d say the same thing.  I was just hoping sana…

“You know, naging medyo sentimental ako. I was a little bit softy.  Gusto ko sana, susulat ako ng letter na maganda. Emotional.  Yung response din sana, kahit papaano…”

THE “CONFRONTATION” Pagkatapos ng palitan ng kanilang mga liham sa bawa’t isa, nagkaroon ng personal na pag-uusap.

“Then we met.  That’s when we talked, and that’s when she said that my future there was not very good.  But she said that she would help me.  Sabi niya, ‘I’ll help you get out of the contract early, kasi ‘yan ang gusto mo.

“Sabi niya, ‘Okey naman. I’ll do everything I can. It looks good naman.  If you wanna leave us early, okey lang.  Kasi, ayaw mo naman dito.’”

Isang program manager daw ang nakasaksi ng pag-uusap nila ni Ms. Wilma.

“My program manager was at the room at that time, so may witness…. Yun nga, the letter was rude.  Kahit phone call nga lang sana, e, ‘Mo, sige na, ‘wag ka nang umalis…’ Kahit chiken sandwich nga lang sana!” natatawa ngunit naghihimutok na sabi ni Mo.

Pero nagkataasan ba sila ng boses ni Ms. Galvante?

Aniya, “I think from the beginning. Wilma naman is a very loud person.  It’s like saying na kelan ba hindi tumaas ang boses ni Annabelle Rama?

“I don’t know, I don’t wanna believe anything.  She’s the head of production.  She wrote me a letter.  I was employed by the station or by the channel, so I think she’s the immediate boss.  But if you wanna ask my lawyer, she’d be here later,” pagtatapos ni Mo.

Sinubukang kuhaan ng PEP ng pahayag si Ms. Wilma tungkol sa isyu, subalit kasalukuyang nasa Los Angeles ito.

Tinawagan ng managing editor ng PEP na si Karen Pagsolingan ang vice-president ng legal department na si Atty. Dick Perez, na siyang nagkumpirma na until “May of next year” pa ang renewed contract ng host sa GMA-7.

Atty. Perez added, “He wanted out of the contract. He made a request asking that he be released…Personally, I thought he will honor the contract.” But, Mo already began his hosting jobs with TV5. –MELL T. NAVARRO – PEP

Advertisements