Labanan ng matitinding musical performances ang naghihintay sa sambayanan sa ika-limang live semi-finals round ng hit talent-reality show na “Pilipinas Got Talent.”

 

Magtutunggali ngayong linggo ang mang-aawit na si Jayzan Tero, chorale group ng Luntayao Family; beat boxer na si Harold Gesulga; kwelang reggae duo ng Powerpuff Corn; violinist na si Jelline Oliva; at dance group na Experience Kidz.

Sino kaya sa kanila ang papasok sa grand finals? Panoorin ngayong Sabado (May 29), 7:15 PM at bumoto para sa inyong paboriting contestant. Alamin ang resulta sa Linggo (May 30), 8:15 PM sa ABS-CBN.
Manood din ng Studio 23 tuwing Sabado at Linggo para sa replay ng naturang episodes sa ganap na 6:00-7:00 PM.

Advertisements