Pinoy Big Brother reopens its door to a new batches of teen housemates last saturday April 10. Kuya divided the 16 housemates into 2 houses, and immidiately after their  introduction, they were escorted by the host to enter into “the villa and “the apartment”. Meet the half of 16 new housemates that will stay inside…

“THE VILLA”

1st : Swabeng Komikero ng Quezon City

PROFILE:

Nickname: Joe
Status: In House
Real Name: Genesis Joseph R. Vargas
Origin: Quezon City
Age: 17
Birthdate: July 28, 1992
Nationality: Filipino
Occupation:
Civil Status: Single
Religion: Born Again Christian
Hobbies: Basketball
Favorite Color: White
Favorite Food: Sinigang (very maasim)
Favorite Show: Showtime!
Favorite Actor: Vhong Navarro
Favorite Actress: Anne Curtis
Favorite Singer: Jay Durias
Maagang naghiwalay ang mga magulang ni Joe; ang ama niyang dating religious missionary ay sinasaktan ang kanyang ina. Greatest fear ng pamilya ni Joe ang posibilad na bumalik ang kanyang ama sa kanilang mga buhay.
Ang kapatid ni Joe ay maputi, si Joe naman ay mukhang black-american, ipinaglihi daw kasi siya sa itim na maynika at maitim na bata. Genesis ang tunay na pangalan ni Joe, pero dahil sa kanyang physical appearance ay tinawag siyang Joe. Nakasanayan niya na ito at wala naman violent reaction sa ibinansag na pangalan.

Walang facebook o friendster si Joe, ayaw niya daw kasing habulin ng mga babae. Very funny, cheerful at confident ng character ni Joe, at totoo namang marami ang nagkakagusto sa kanya. Maging habulin nga kaya si Joe sa loob ng bahay ni kuya, o makaka-inisan ang kanyang pagiging “confident”?

“THE VILLA”

2nd: Bubbly Promdi ng Cebu

PROFILE:

Nickname: Devon
Status: In House
Real Name: Devon May Natividad Seron
Origin: Cebu City
Age: 16
Birthdate: May 20, 1993
Nationality: Filipino
Occupation:
Civil Status: Single
Religion: Roman Catholic
Hobbies: Badminton
Favorite Color: Blue
Favorite Food: Spaghetti
Favorite Show: ASAP
Favorite Actor: John Lloyd Cruz
Favorite Actress: Bea Alonzo
Favorite Singer: Paramore, Avril Lavigne
Sa isang squatters area sa Cebu lumaki at nagkamalay itong si Devon. Anim silang nakatira sa isang bahay, at tatlong hakbang lang ay malilibot na ang buong kabahayan.

Driver ang tatay ni Devon, rumaraket naman ang kanyang ina sa pamamagitan ng pamimigay ng leaflets, apat silang magkakapatid. Sa hirap ng buhay ng kanilang pamilya ay naranasan na nilang hindi kumain sa loob ng isang buong araw, minsan naman nakakakain pero tuyo lang ang ulam.

Sa kabila ng kahirapan nararanasan ay masiyahing dalaga si Devon. Mahilig din siya magsuot ng damit panlalaki, at isa sa madalas niyang hiraman ng damit ay ang tatay niya to the point na kung minsan ang tatay niya ang nagsusuot ng damit pambabae.

Naranasan na rin ni Devon ang hindi makapag-take ng exam dahil hindi siya nakapagbayad ng matrikula. At nitong graduation niya ay kamuntik na siyang hindi makapag-martsa, honor student pa naman siya, sa parehong dahilan- hindi nakapagbayad ng matrikula.

Sa tulong ni Kuya ay nakatungtong ng entablado si Devonat nakamit ang pinaghirapan niyang diploma.

“THE VILLA”

3rd: Sigang Istokwa ng Tawi-Tawi

PROFILE:

Nickname: Eslove
Status: In House
Real Name: Remcon Christlove Chiong Briones
Origin: San Pablo City, Laguna
Age: 17
Birthdate: April 30, 1992
Nationality: Filipino
Occupation:
Civil Status: Single
Religion: Roman Catholic
Hobbies: Basketball
Favorite Color: Green
Favorite Food: Filipino foods
Favorite Show: Wowowee, Showtime
Favorite Actor: Piolo Pascual, Jake Cuenca
Favorite Actress: Angelina Jolie
Favorite Singer: Billy Crawford, Parokya Ni Edgar
Maagang nagkahiwalay ang mga magulang ni Remcon, kaya naman nagpalipat-lipat siya ng eskuwelahan at tirahan depende sa assignment ng kanyang nanay. Nagta-trabaho para sa mga politiko ang kanyang ina, taga-asikaso ng mga bagay-bagay.
May masamang bisyo ang tatay ng binata, at dito halos napupunta ang perang kinikita ng nanay niya, kabilang na ang pang-tuition nila. Para makatakas sa mapait na realidad ay umaalis si Remcon ng kanilang bahay. Nakituloy sa mga kapitbahay at kung minsan ay sa mga kaibigan sa malalayong isla.

Aminado si Remcon na isa siyang problem child dahil maaga itong sumubok ng mga bisyong sigarilyo, pag-inom at pagsugal.

Kahit pasaway si Remcon, mahusay naman daw itong humawak ng pera. Bata pa lang siya nang magtinda ng yema at mani para sa dagdag kita. Ang pisong yema ay binebenta niya ng tatlong piso, ang tatlong pisong mani ay ibinebenta niya ng limang piso. Nagtrabaho din si Remcon sa pier bilang isang kargador. Sabi ng binata, hindi nya ikinakahiya ang kanyang mga naging trabaho, sa katunayan ay proud siya sa mga ito.

Makatulong kaya ang pagiging madiskarte ni Remcon sa mga tasks o mas mananaig ang pagiging ‘problem child’ nya sa loob ng bahay ni Kuya?

“THE VILLA”

4th: Diskarte Bombshell ng Mindoro

PROFILE:

Nickname: Rach, Shey
Status: In House
Real Name: Rachel Anne Bustamante
Origin: Hongkong
Age: 17
Birthdate: February 12, 1993
Nationality: Filipino
Occupation:
Civil Status: Single
Religion: Roman Catholic
Hobbies:
Favorite Color: Black, White, Beige
Favorite Food: Leche Flan
Favorite Show: Cheaters
Favorite Actor: Pierce Brosnan
Favorite Actress:
Favorite Singer:
Ipinanganak si Shey sa Hongkong. Pinay ang kanyang ina samantalang isang Australian na naka-base sa Hongkong ang ama nito. Nang mabuntis ang ina, unti-unting lumayo ang ama ni Shey. Dalawang taon si Rachel nang umuwi sila ng ina sa Mindoro, at dahil sa kanyang tisay features ay naging manika siya ng buong bayan.
Suki at beterana sa mga beauty contest itong si Shey. She has 6-titles under her name, at dalawa sa mga sinalihan niyang contest noon ay na-disqualify siya sa kadahilanang s’ya’y “over-qualifed”.

Dahil wala nang gustong lumaban sa kanya sa mga beauty contest sa kanilang probinsya ay nagdesisyon siyang pumunta ng Manila. Dito ay sumali sya sa Mossimo Bikini contest at nanalo ng first runner up. Sumali rin siya sa Binibining Pilipinas 2010, pero sa kasamaang palad ay hindi siya umabot sa finals.

Paminsan minsan na lang umuwi si Shey ng probinsya, mas gusto niya nang manirahan dito sa Manila. Gamit ang kanyang ganda at kaseksihan, pinasok nito ang pagmomodelo at ito ang kanyang pinagkukunan ng pera para mapag-aral at buhayin ang sarili malayo at independently from her family. Ang pagraraket na ito rin ang naging dahilan kung bakit hindi na nito naipagpatuloy ang kanyang pagko-kolehiyo.

Mamangha kaya ang mga housemates sa ganda ng 6-time beauty titlist na ito, o mai-intimidate sila sa kanyang dating. Masakyan rin kaya nila ang spending habits ng dalaga lalo na’t sanay itong gumastos above her means?

“THE VILLA”

5th: Struggling Isko ng Antique

PROFILE:

Nickname: Angelo
Status: In House
Real Name: Angelito S. Pasco
Origin: Quezon City
Age: 18
Birthdate: September 26, 1991
Nationality: Filipino
Occupation:
Civil Status: Single
Religion: Roman Catholic
Hobbies: Basketball, Sepak Takraw
Favorite Color: Red
Favorite Food: Ginisa na Munggo, Veggies and others
Favorite Show: Katorse
Favorite Actor:
Favorite Actress: Maja Salvador
Favorite Singer: The Moffats
Sadsad sa kahirapan ang naging buhay nitong si Angelo. Sa Maynila sila noon naninirahan ng kanyang pamilya, pag walang pambaon ay nilalakad niya mula bahay hanggang eskuwelahan na may layong 7km. Nang mamatay ang kanyang ama ay umuwi ang kanyang pamilya sa Antique para doon na tumira.

Katulong ang kanyang nanay at halos walang perang naipapadala sa kanya para sa kanyang pag-aaral. Kaya naman nabaon sa utang ang binata, mula sa tuition fee, pagkain sa canteen, at nang minsang ma-ospital siya.

Nakitira din siya sa isang kaibigan na nagmamay-ari ng isang computer shop, dito siya puma-part time ng trabaho kaya naman minsan ay nakakalibre siya ng gamit ng computer para sa mga projects, libreng pagkain, tulugan at paminsan-minsan ay naabutan pa ng kaunting panggastos.

Maging competitive kaya si Angelo sa loob ng bahay ni Kuya para mabigyang katuparan ang pangarap na mai-ahon ang kanyang pamilya sa hirap? Maging daan kaya ang kanyang sad story para maging kaibigan niya ang mga housemate o masyado itong madrama na maaaring dahilan ng pagkaka-clash niya sa ibang mga kasama sa bahay?

“THE VILLA”

6th: Giling Girl ng Batangas

PROFILE:

Nickname: Kyra
Status: In House
Real Name: Maria Kyra Francesca V. Custodio
Origin: Makati City
Age: 15
Birthdate: June 20, 1994
Nationality: Filipino
Occupation:
Civil Status: Single
Religion: Catholic
Hobbies:
Favorite Color: Black, White, Blue, Purple
Favorite Food: Pasta
Favorite Show: ASAP, PBB, Showtime!
Favorite Actor: Enchong Dee, John Lloyd Cruz
Favorite Actress: Shaina Magdayao, Anne Curtis
Favorite Singer: Nina, MYMP
Mala-Cinderella ang lifestory ni Kyra. Dahil sa untimely love story ng magulang ng dalaga, di nagkakasundo ang kanyang ina at maternal grandmother Pero sa piling ng maternal grandmother lumaki si Kyra. Di n’ya nakasundo ang lola at maging ang dalawang pinsang kasama n’ya rin sa bahay. Dahil laging napapagalitan si Kyra, nagdesisyon ang kanyang ina na bumukod silang mag-anak.
Sa bagong bahay sa Batangas, na-discover ni Kyra ang talent niya sa pagsasayaw. Maliban sa mga school presentations ay member din siya ng isang dance troupe kung saan nakakatanggap siya ng monthly honorarium na ginagamit niya namang pandagdag sa mga panggastos niya sa eskuwelahan.

Makatulong kaya kay Kyra ang talento niya sa pagsasayaw para magustuhan siya ng ibang housemates, o mauulit ang kanyang mala-Cinderella story sa loob ng bahay ni Kuya?

“THE VILLA”

7th: Boy Breadwinner ng Pampanga

PROFILE:

Nickname: Yong
Status: In House
Real Name: Marrion Gopez
Origin: Pampanga
Age: 17
Birthdate: October 24
Nationality: Filipino
Occupation:
Civil Status: Single
Religion: Roman Catholic
Hobbies: Basketball, Sepak Takraw
Favorite Color: Blue
Favorite Food: Filipino Native Foods
Favorite Show: PBB
Favorite Actor:
Favorite Actress: Kim Chui
Favorite Singer: Parokya Ni Edgar

Si Yong ang bunso sa tatlong magkakapatid. Masayahin, malambing at palatawa siyang bata. Ipinaglihi daw siya sa Sto.Nino sabi ng kanyang ina dahil sa kanyang makinis at maputing kutis. Bagama’t hirap sa buhay financially, ay mas nakaluluwag pa sila noon.

Nagsimulang magbago ang guhit ng kapalaran ni Yong nang magsimulang maging manginginom ang tatay nito, kakatapos pa lang niya ng elementarya noon. Maliban sa matinding pangangayayat ng ama ay naging tamad daw ito sa pagta-trabaho at nawalan ng kumpiyansa sa sarili. Kapag pinagsasabihan naman ni Yong ang tatay na tumigil na sa pag-inom ay nakakagalitan lang siya nito. Ano daw ba ang karapatan niyang manaway ng magulang, kung anak lang siya?

Para makatulong sa pamilya ay nagtrabaho si Yong sa isang quarrying site sa Pampanga. Biyernes hanggang Lunes, mula ala-sais ng gabi hanggang alas-sais ng umaga ay nag-aabang siya ng mga truck ng buhangin. Sa bawat truck ng buhangin na papalain niya ay kikita siya ng singkwenta pesos. Ang perang kinikita dito, kasama ng scholarship na nakuha mula sa isang politiko ay nakapag-tapos si Yong ng highschool.

Sa ngayon ay tumigil muna si Yong sa pag-aaral para tumulong sa nakatatanda nitong kapatid na nasa huling taon na sa kolehiyo.

“THE VILLA”

8th: Courageous Lakan ng Samar

PROFILE:

Nickname: Mike
Status: In House
Real Name: Maichel Fabiolas Fideles
Origin: Quezon City
Age:
Birthdate: March 21
Nationality: Filipino
Occupation: Part-time model
Civil Status: Single
Religion: Roman Catholic
Hobbies: Basketball
Favorite Color: Black
Favorite Food: Fried Chicken
Favorite Show: ASAP
Favorite Actor: Piolo Pascual
Favorite Actress: Angel Locsin
Favorite Singer: Arnel Pineda, Journey
Lumaki si Maichel sa Maynila pero pagtungtong n’ya ng Grade 5 ay lumipat na sa Calbayog, Samar ang buong pamilya ng binata maliban sa kanyang ama na naiwan sa kanyang trabaho sa lungsod. Simula noon ay hindi na siya nakatapak ng Maynila, at hindi na rin niya nakausap ang kanyang ama.

Nang mamatay ang nanay ni Mike noong 2009, tanging kuya na lang niya ang kanyang nakakasama pero di naglaon ay nagkasamaan ng loob ang magkapatid. Para makapag-survive ay ginamit ni Maichel ang kanyang gandang lalaki at sumali sa mga male pageants.

May mga kaibigan s’yang tumutulong sa kanya makahanap ng mga sasalihang pageants at maka-provide ng requirements. Ang usapan lang ay hati sila sa pa-premyo.

Kuwento ni Maichel, ang pagsali niya sa mga pageants ay contest ay hindi para sa popoularity kundi para sa kanyang survival. Ma-endear kaya ni Maichel ang mga housemates at taumbayan at mapanalunan ang prizes na hatid ng PBB?

Source: PinoyBigBrother Website

   
 
Advertisements