PATULOY na nangunguna ang GMA Network sa Mega Manila TV ra­tings, at ang mga programang gawan­g Kapuso ang wagi sa lahat ng format o genre noong 2009, ayon sa datos ng AGB Nielsen Philippines.

Ang Darna ni Marian Rivera ang may pinakamataas na rating sa lahat ng primetime drama programs noong 2009.

Ang Dapat Ka Bang Mahalin? nina Aljur Abrenica at Kris Bernal ang pinakamataas sa mga daytime drama show.

Ang Bitoy’s Funniest Videos ni Michael V ang nakakuha ng pinakamataas na rating sa lahat ng comedy o gag shows noong nakaraang taon.

Ang Family Feud Celebrity Edition ang highest rating game show.

Ang Mel and Joey ang na­nguna sa general talk show.

Ang Eat Bulaga na nagdiwang ng ika-30 anibersaryo nitong 2009 ang nanguna sa general variety programs.

Ang Kap’s Amazing Stories ang highest ra­ting infotainment show. Ang SOP ang highest ra­ting musical variety show last year.

Ang 24 Oras ang nanatiling #1 sa lahat ng newscasts.

Ang Kapuso Mo Jessica Soho ang pinakapinanood na public affairs feature program noong 2009.

Ang Imbestigador ang nanatiling highest ra­ting public affairs investigative show.
Tinalo ng Survivor Philippines: Palau ang lahat ng reality shows. 

Ang Startalk ang highest rating showbiz talk show.

Napanatili ng GMA Network ang pangu­nguna sa Mega Manila TV ratings nitong Enero 2010.

Sa buwan ng Enero, nakapagtala ang GMA Network ng average total day audience share na 38.3%,  mas mataas ng 3 percentage points sa 35.3% ng ABS-CBN.

Nasa 55% na ang composition ng Mega Manila TV households sa Natio­nal Urban Philippines TV po­pulation at lumaki sa 800 TV households ang panel sa nasabing area, ayon sa 2010 TV household popu­lation projections ng AGB Nielsen.

Darna ang nanguna sa listahan ng overall highest rating programs na may average household rating na 32.1%.

Nagtapos ang series nitong Pebrero 19, at pinalitan ng isa na namang exciting na telefantasya, ang Panday Kids.

Info courtesy: Abante tonite

Advertisements