NANGUNA ang TV Patrol World sa listahan ng pinakapinapanood na news and current affairs programs sa buong bansa noong 2009.
Base sa datos ng Taylor Nelson Sofres (TNS), ang flagship primetime newscast ng ABS-CBN ay naka­pagtala ng average rating na 43.1%, lamang ng 10.5 percentage point sa kalaban nitong 24 Oras na nakapagtala ng 23.6%.
Patuloy na inuungusan ng TV Patrol World ang kumpetisyon at tumaas ang lamang nito ng hanggang 12.9 percentage points noong Enero 2010 sa household ratings na 35.5% laban sa 22.6% percent ng GMA.
Humahataw rin sa ra­tings ang weekend editions ng naturang newscast.
Mababatid sa datos ng TNS na ABS-CBN ang pinakatinututukan ng mga Pilipino pagdating sa late night at early morning news.
Namamayagpag ang Bandila, ang unang Philip­pine news program na na-nominate sa Emmy’s, sa late night block sa average rating na 7.7% vs. 5.3% ng Saksi.
Nangunguna ang Umagang Kay Ganda sa umaga sa ratings na 6.5% vs. 4.9% ng Unang Hirit.
Pati sa current affairs program, documentaries at news coverages ay nilamon ng ABS-CBN ang mga kalaban noong 2009.
Pinaka-nagmarka at nanguna ang world-class funeral coverage na Sala­mat President Cory: A People’s Farewell na nagtala ng 35.7% laban sa 23% ng Salamat at Paalam Cory ng GMA.
 Ang pagsasahimpapawid ng ABS-CBN ng hu­ling SONA ni Ate Glo ay mas tinangkilik ng samba­yanang Pilipino nang pu­malo ito ng 18.1% vs. 13.9% ng kabilang network.
Sa 20 top-rating news specials ng 2009, labing-anim ay mula sa ABS-CBN kabilang na ang calamity management special ng Matanglawin na pinamagatang Delubyo, Salubong sa Bagong Simula: Countdown to 2010, Sagip Kapamilya: Bagyong Ondoy at Kahapon, Ngayon, at Bukas: The Mar-Korina Wedding Special.
Ang market research group na TNS ay naghahatid ng audience research measurement systems sa 32 bansa.
Nagsimula itong maglabas ng datos para sa national television audience measurement (NUTAM) noong Pebrero 2009 at may panels na binubuo ng 1,370 repre­sentative households na sumasakop sa urban Philippines at nag-uulat sa pitong sektor — NCR, Su­burbs, North Luzon, Central Luzon, South Luzon, Visayas at Mindanao.

Advertisements