Kaya pa ba ng mga 60-anyos na lola ang paggiling at paghataw sa saliw ng awiting Single Ladies ni Beyonce?
Mapatayo kaya ang mga hurado kapag bumirit na ang isang 12-anyos na bata ala-Nicole Scher­zinger ng Pussycat Dolls? 
Alamin iyan sa pagsisi­mula ng talent-reality show na Pilipinas Got Talent mamayang 7:30 PM sa ABS-CBN.
Mula sa internatio­nal franchise na nakadiskubre at patuloy na dumi­diskubre ng mga bukod-tanging world class acts, ihahatid sa inyo ng Pili­pinas Got Talent ang magagaling na Pinoy ta­lents mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.
Ang grand winner ay mag-uuwi ng P2M.
Bago iyan, kinakaila­ngan niya munang makuha ang matamis na OO ng judges na sina Kris Aquino, Ai Ai delas Alas at Freddie M. Garcia (former ABS-CBN President at COO).
Nagsimula ang auditions sa huling bahagi ng 2009 at libu-libong Pinoy na ang sumubok ng kanilang kapalaran na maging unang winner ng Pilipinas Got Talent.
Namangha si Kris sa mga natunghayan niyang ta­lento ng mga Pilipino.
“Mapapatunayan mo na talented ang mga Pili­pino mapakantahan, saya­wan, pagma-magi­c o pag-acrobat pa ito,” sabi ni Kris.
“May isa ngang contestant na gusto na namin ni Boy (Abunda) i-sign ng record deal, tapos, may isa na rin na pwede na ila­ban sa Las Vegas acts. Ganu’n sila kagaling.”
Bulalas ni Ai Ai, “Nakakalokah talaga ang contestants! Ang gagaling nila! May napupulot nga ako sa kanila, eh!”
Huwag palalampasin ang pagsisimula ng Pili­pinas Got Talent, kasama sina Billy Crawford at Luis Manzano bilang hosts mamayang 7:30 PM, at tuwing Linggo nang 8:30 PM sa ABS-CBN.
Tunghayan ang mga kaganapan sa talent-reality show Lunes hanggang Biyernes simula Pebrero 22 nang 4:30 PM, sa Pilipinas Got More Ta­lent kasama ang host na si Marc Abaya.

Advertisements