Narito ang  resulta ng final na botohan sa PBB Double Up:

‘ Inday Kengkay of GenSan’ Melissa Melai Cantiveros— 1,226,692 votes or 32.08% of total votes
 ‘ Negosyo Prince of Cebu’Paul Jake Castillo— 1,044,295 votes or 27.31% of total votes
‘ Boy Astig ng Mindoro’Jason Francisco— 954,961 votes or 24.97% of total votes
‘ Cutie Server ng QC’Johan Santos— got 303,751 votes or 7.94% of total votes
‘ Dad of Steel ng Cagayan’Steve “Tibo” Jumalon— 294,161 votes or 7.69% of total votes

Ang ‘Inday Kengkay ng GenSan’ na si Melisa Cantiveros (o Melai) ang big winner sa Pinoy Big Brother Double Up noong Sabado ng gabi.

Si Melisa ang nakakuha ng pinakamala­king bahagi ng halos apat na milyong text votes (32.08 %), na sinundan nina Paul Jake Castillo (27.31%), Jason Francisco (24.97%), Johan Santos (7.94%) at Steve ‘Tibo’ Jumalon (7.69%).

Kinabahan ang PBB fans nang maiwan sina Melisa at Paul Jake sa maliit na Big Brother house sa loob ng Ninoy Aquino Stadium. Pareho kasing malakas sa taumbayan ang dalawang housemate.

Nang ipasilip ni Big Brother ang lagay ng botohan nu’ng Martes (Pebrero 9) ay nangunguna ang ‘Negosyo Prince ng Cebu’ at pangatlo lang si Melisa.

Hindi magkamayaw ang mga tao nang tawagin ni ABS-CBN president Charo Santos Concio si Paul Jake bilang second Big placer at si Melisa bilang Big Winner.

Tulad nina Tibo, Johan at Jason ay sinalubong din sina PJ at Melai ng Honor Guards at ng malakas na tilian ng sambayanan.

Extra special ang labas ni Melai kung saan umangat ang harap ng miniature PBB house at umarangkada ang inuupuang trono ni Melisa papunta sa stage na may kasamang fireworks.

Napaupo rin sa tuwa si Melisa bago tanggapin ang kanyang tseke na P1M, susi sa kanyang house & lot, laptop, at bagong negosyo.

Bago pa iyan, inaliw ang mga manonood ng special numbers mula sa mga Kapamilya tulad nina Charice Pempengco, She­ryn Regis, Mark Bautista, JayR Siaboc, Bugoy Drilon, Teddy Corpuz, Yeng Constantino, Charlie Green, Kim Chiu, Jabbawockeez, at ang cast ng Rubi na sina Angelica Panga­niban, Deither Ocampo, Shaina Magdayao, at Jake Cuenca sa prog­ramang hinost nina Toni Gonzaga, Mariel Rodriguez at Bianca Gonzalez.

Pinalakpakan din ang ex-housemates na sina Toffee, Kenny, JM, JP, Jimson, Yhel, Tom, Delio, Princess, Patria, Rocky, Yuri, Rob, Patrick, Carol, Rica, Cathy, Kath, Sam, Herme, at Mariel na nagpakita ng talento sa pagsasayaw.  

Ang huling mensahe ni Kuya sa Big Five ay nakapag-paiyak sa marami lalo na sa mga sumabaybay sa #1 reality show sa bansa.

Ano na kaya ang susunod na kabanata sa makulay na kuwento ng mga housemates lalo na ng Big Winner na si Melisa?

Magtagal kaya sila ni Jason?

Samantala, abangan din ang mga bagong programa sa ABS-CBN tulad ng Rubi, Pilipinas Got Talent at PBB Teen Edition Season 3 Clash of 2010.

Advertisements